December 27, 2024

Nakataya ang belt ni Aussie Fleming… SASABAK SI SUAREZ SA SYDNEY SUPER BOXINGFEST

ISANG hakbang papalapit sa world championship ang tatahakin ni WBA Super Featherweight champion Charly Suarez ng Pilipinas sa kanyang pagsabak sa Australan boxing titlist Paul Fleming na nakatakda sa Marso 15,2023 sa Sydney.

Si Suarez at Fleming na parehong 34 ‘anyos ay kapwa Olympian at may unbeaten record sa kanilang pro- carreer.

Ang Aussie pug ay titleholder sa IBO Super Featherwight division,Inter-Continental at WBA Oceania at WBC Asian Boxing Council.

Ang pambatong Pinoy na challenger at underdog sa laban sa naturang world title eliminator ay nakataya rin dito ang titulo para sa  bakanteng IBF Inter-Continental Super Featherweight .

“This is my opportunity to fight and steal the belts fron the champion,”pahayag ni Suarez sa pagitan ng kanyang marubdob na ensayo sa AFPOVAI,Taguig City katuwang ang kanyang best training partner na si coach Delfin Boholst. 

“Malapit na tayo sa moment of truth kaya ko na ito hahayaan pang humulagpos ang magandang kapalaran.”