Iprinoklama na bilang bagong kinatawan ng Cavite 7th District ang anak ni Justice Secretary Boying Remulla na si Cavite Board Member Crispin “Ping” Remulla sa isinagawang special election kahapon ng Comelec.
Ang nakababatang Remulla ang siyang pumalit sa pwesto ng ama matapos ito mag bitiw sa pwesto.
Batay sa official count ng Commission on Elections (Comelec), si Remulla ay nakakuha ng 98,474 votes, o 66.67 percent sa kabuuang total number of voters na bumuto sa special election.
Ang kaniyang katunggali ang independent candidate na si Jun Sagun, ay nakakuha ng 46,530 votes,habang si Lito Aguinaldo at Mike Santos ay nakakuha ng 1,610 at 1,068 votes, respectively.
Ang Cavite 7th district ay binubuo ng 1 siyudad at tatlong bayan.
Ito ang Trece Martires City at ang bayan ng Amadeo, Indang, at Tanza.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA