January 8, 2025

5 drug suspects timbog sa Navotas buy bust

KULUNGAN ang kinasadlakan ng limang hinihinalang drug personalities matapos malambat sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa bagong hepe ng Navotas police na si P/Col. Allan Umipig, dakong alas-11:11 ng Sabado ng gabi nang magasgawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PCPT Luis Rufo Jr ng buy bust operation sa Bagong Silang St., Brgy., San Jose.

Agad dinamba ng mga operatiba si Manuelito Lusterio Jr, alyas “Aang”, 23, Arjay Lusterio, 22, matapos bintahan ng P300 halaga ng umano’y shabu ang isang undercover police poseur buyer, kasama si Ronald Loreto Jr, alyas “Tuts”, 28, na nakuhanan din ng droga.

Nakumpiska sa mga suspek ang anim heat-sealed transparent plastic sachets kabilang ang (subject of buy bust) na naglalaman ng abot 6 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P40,800, buy bust money at P200 recovered money.

Nauna rito, alas-11:10 ng Biyernes ng gabi nang matimbog naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Badeo 4 St., Brgy. San Roque sina Jaime Ramos, 40, garbage collector, (Pusher/Listed), at John Paul Javier alyas “Toponeng”, 21, (Pusher/Listed).

Nakuha sa kanila ang humigi’t kumulang 5.5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P37,400.00 at P500 bill na ginamit bilang buy bust money.

Ani PCPT Rufo, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.