NAGLABAS ng paglilinaw si Bureau of Immigration Commissioner Norman Tangsingco matapos makatanggap na report sa umano’y unauthorized departure ng private jet sa NAIA Terminal 1 dakong alas-10:00 ng gabi noong Pebrero 13.
Sa statement na ipinadala ng kanyang spokesperson Dana Sandoval, sinabi ng BI chief na ilan sa mga media entities ang nagpaabot sa kanya kaugnay sa report mula sa isa pang ahensiya na nagsasabing ang nasabing special flight na may lamang mga pasaher na mahigit sa numerong idineklara sa fligh manifest.
Ayon kay Tansingco, base sa kanilang imbestigasyon, ang naturang chartered flight ay may sakay na sampu kung saan ang 3 dito ay mga crew.
Ipinaliwanag ng opisyal na ang Chartered flights ay nasa category ng special flights, kung saan ang mga pasahero ay hindi na dumadaan sa immigration area.
Sa halip , sila ay pino-proseso at ini-inspeksyon ng immigration officer sa may eroplano mismo.
Idinagdag ni Tansingco na lahat ng sakay ng nasabing flight ay dumaan sa derogatory checks at naging compliant naman sila sa immigration formalities. (JERRY S. TAN)
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund