November 24, 2024

QC INILUNSAD ‘MARKET ONE-STOP-SHOP’ SA MURPHY MARKET

Market One-Stop-Shop (MOSS) system sa QC, ikakasa | DZIQ Radyo Inquirer  990AM

Inilunsad ng Quezon City government ang kauna-unahang Market One-Stop-Shop (MOSS) system sa Murphy market sa lungsod.

Ang MOSS na proyekto ng Market Development and Administration Department (MDAD) ay sasakop muna sa digital at simplified process ng market registration at permit application para sa QCitizen market owners, vendors, at stall owners sa walong city-owned public markets.

Sa pamamagitan ng sistema, ang mga taong nais mag-may-ari ng stall, gayundin ang mga ­existing market vendors ay madali nang makita ang mga market stalls na available pa, gayundin ang mga kinakailangang documentary requirements at makapagbayad ng corresponding fees, upang makaiwas sa mahabang pila, at inconvenient na paperwork na kinakailangan sa lumang manu-manong proseso.

Nabatid na si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang nanguna sa launching ceremony ng proyekto, na sinaksihan ng mga pangulo ng QC market association at iba’t ibang grupo ng mga tindero.

“Inconvenience and inefficiency caused by the traditional manual  market management system affects the producti­vity of market vendors. Thus, the city has ini­tiated MOSS which digitali­zes all these processes, shortens  waiting time, and eliminates the hassle of going physically to City Hall,” ayon kay Mayor Belmonte.

Ang MOSS, na bahagi ng good governance ng pamahalaan at pinadaling business initiatives, ay isasama rin sa Business One-Stop-Shop (BOSS) para ma-streamline ang kabuuang proseso ng pagkuha ng business permit. 

“In addition to efficiency and convenience, the new system addresses corruption and the ‘palakasan’ system. Sa pamamagitan ng MOSS, para ka lang nag-rereserve ng ticket sa sinehan kung gusto mong magkapwesto sa palengke o temporary vending site,” dagdag ng alkalde.

Ang sistema, na sa mga susunod na araw ay maaari na ring ma-accessed sa pamamagitan ng QC E-Services portal, ay nilikha para sa mga aspiring at current market owners, vendors, at hawkers sa QC. 

Sa pamamagitan nito ay maaring ma-view ng real-time ang lahat ng available stalls sa public at private markets, mga talipapa at maging temporary vending sites para sa mga hawkers.

Mag-iisyu rin umano sila ng IDs para sa mga registered market vendors at hawkers.

Ayon kay MDAD Officer-in-Charge Ma. Margarita Santos, target ng lungsod na mairehistro ang kabuuang 12,000 stall holders sa walong city-owned public markets, 32 private markets, 124 approved temporary vending sites para sa hawkers, at 46 talipapas.

“Data gathered through MOSS is very vital for the city because this will be used as the basis for the establishment of additional public markets and ven­ding sites if needed. MDAD is already looking for possible locations that can be utilized as vending sites,” paliwanag ni Santos.