October 30, 2024

P1-M CASH PRIZE NAGHIHINTAY SA WINNER NG 2023 BCYF INNOVATION AWARD

Upang lalo pang hikayatin ang mga innovator sa bansa, muling pinamunuan ng Benita and Catalino Yap Foundation (BCYF) ang pagsasagawa ng Innovation Award nito ngayong taon upang kilalanin ang mga indibidwal, teams o organisasyon  na nagsimula o bumuo ng innovation na may measurable at tangible results na nagpapabuti sa kanilang operations o areas of concern.

Sa pamamagitan ng Shell LiveWIRE Program, ang global flagship enterprise program ng Pilipinas Shell Petroleum Corpororation na nagtataguyod ng entrepreneurship, innovation at meaningful employment, makatatanggap ang awardee ng P1,000,000 cash prize na magagamit sa business upgrades, additions, expansion o anumang iba pang hakbang upang mapalakas ang innovation.

Ang Award ay bahagi ng Comprehensive Social Development Program ng BCYF, na binubuo ng – Research, Education, Events, at Developmental Social Enterprise.

“Among the criteria of the award is that the innovation must have been implemented in a viable, functioning and registered organization and/or business for at least the last five years with two years of profitable operations both on Profit & Loss and Cash basis and must have material impact on the bottom line of the company. Also, there must be better-than-sufficient technical facilities, laboratory equipment and technology investment support over the past five years, including training of appropriate and adequate personnel and that there must be proven commitment to sharing the innovation with others,” ayon sa DOST.

“Nominations may be submitted under the five categories: government service, small-medium enterprises (SMEs), education, technology, and industry. Anyone may submit an entry with no cost involved and self-nomination is encouraged,” dagdag pa nito.

SA virtual launch ng BCYF Innovation Awards 2023 noong Disyembre 15, 2022, sa tulong ng Science and Technology Information Institute of the Department of Science and Technology (DOST-STII), nagpahayag ng suporta si Science Secretary Renato Solidum Jr., sa 2023 BCYF Innovation Awards at iba pang mga ibinahaging inisyatibo ng BCYF.

“With the launch of the BCYF Innovation Awards 2023, I firmly believe that innovation in the country will soar to greater heights. This form of recognition will surely inspire our scientists and researchers, especially the young, to walk the extra mile, to think out of the box, to deep dive in science, and aim to come up with new ideas and innovations that will solve the many problems hounding us, particularly in this time where we are now living in the so-called “new normal”. Rest assured that the Department of Science and Technology will always be by your side to make innovation a driver of positive change, an enabler of ideation, and a beacon of hope for every Filipino to show them that their dreams can become a reality,” saad niya.

Ang BCYF Innovation Awards ay kabilang mga aktibidades na inorganisa ng BCYF bilang paggunita sa Philippine Innovation Month (PIM) na naglalayong i-highlight ang papel ng Innovation in Social Development. Ito ay inilunsad sa Malacañang sa ilalim ng Presidential Proclamation No. 172. s. 2017, na nagdedeklara sa ikatlong linggo ng Pebrero bilang “Philippine Innovation Week”.


Ang iba pang mga aktibidad ay ang Innovation Forum, CEO Breakfast, Philippine Game Changers Conference (ChangeCon), at Ideas Conference.

Ang mga nominasyon na may kumpletong mga kinakailangan ay dapat i-email sa [email protected] habang ang mga orihinal na kopya ng requirements ay dapat ipadala sa BCYF-SABRE, Saint Mutien College, Don Cornelio Subd., McArthur Highway Dau, Mabalacat City, Pampanga 2010.

Ang huling petsa ng pagsusumite ng mga nominasyon ay Pebrero 15, 2023.