KRITIKAL ang kondisyon ng isang 40-anyos na laborer matapos pagtulungang pagsasaksakin ng dalawang lalaki habang naglalakad pauwi ng kanilang bahay sa Baseco Compound, Port Area, Manila, Huwebes ng gabi.
Nagtamo ng iba’t ibang sugat sa katawan si Sonny Boy Conchas ng Blk. 18 Old Site, Baseco Compound, Port Area, habang nakatakas naman ang mga suspek na sumaksak sa kanya na kinilala lamang sa kanilang mga alyas na sina ‘Cesar Waldas’ at ‘Salazar’ na sinasabing siga sa kanilang lugar.
Ayon kina P/EMS Geronimo Cadano at P/Cpl. Joefry Magat ng Manila Police District-Station 5, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi malapit sa bahay ng biktima.
Sinasabing naglalakad mag-isa si Conchas nang dumating ang mga suspek at walang sabi-sabi siyang pinag-uundayan ng saksak saka mabilis na tumakas. Agad isinugod ang biktima ng kanyang asawa sa ospital.
Sinabi ni P/ Capt. Javen Dominguez, Block Commander ng MPD-Baseco Police Community Precinct, nagsagawa na ng manhunt operation laban sa mga suspek.
More Stories
Gatchalian: Mga out-of-school children at youth ibalik sa mga paaralan
DANIEL PADILLA, POKUS MUNA SA TRABAHO AT NEGOSYO
Buwisit na mga netizens sa galit-bati drama… SHARON AT KC, NOON PA NOT IN GOOD TERMS