HATAW ang bilis ng Spanish- Filipino triathlete na si Fernando Jose Casares ng Philippine national triathlon team upang pagharian ang men’s elite sprint distance ng lumarga kahapong National Age Group Triathlon sa Subic Boardwalk ng SBMA sa Zambales .
Bumida naman ang Cebuanang si Raven Faith Alcoseba sa women’s division ng naturang unang malaking kaganapan sa taong ito na inorganisa ng Triathlon Associstion ( TRAP) sa pamumuno ni Tom Carrasco,Jr.
Si Casares na anak ng isang Español na ama mula Madrid at Filipinang ina ng taga- Valenzuela ay agad na dumistansya sa swim event at pinalobo ang lamang sa bike upang maging kampante sa final run event tungo sa finish line sa kanyang winning time sa sprint na 57.16 para sa titulo.
Sumegunda sa karerang tune-up para sa Cambodia SEAGames 2023 si teammate Matthew Justine Hermosa(57:34) habang tersera naman si national ding Andrew Kim Remolino(59:12).
Kumbinsido naman ang tagumpay ng DeLaSalle University varsity swimmer sa UAAP na si Alcoseba na miyembro din ng national triathlon team nang dominahin ang swim race,bike,run tuluy- tuloy sa meta para sa kampeong tiempo na 1:04:36 ,malayong segunda ang kakamping si Erica Nicole Burgos ,1:08:03 at pumangatlo si Karen Manayon ng national developmental pool.
” I’m happy with my time,the route is ideal and weather is so good,that helped a lot in my victory today.I’m getting ready for the SEAGames if destiny permits” , wika ni Casares na nagpasalamat ng lubos sa suportang kaloob ng TRAP sa pamumuno ni Carrasco,Jr.
Si Casares ay sasailalim sa matinding training kung saan ay popokus siya sa run dahil sa aspetong ito malakas ang makakatunggaling Vietnamese bet sa Cambodia.
Tatlong miyembro ng national junior triathlon team ang tumapos ng 1-2-3 sa sprint distance elite na panangunahan ni Kia Ellis(1:05:/1),segunda si Gene Heart Quiambao( 1:06:15) at pangatlo si Lady Samantha Jurnace Corpuz.
“This event is a fine tuning for our national triathletes for the 32nd Southeast Asian Games Cambodia 2023,”sambit ni Carrasco na ikinagalak ang resulta ng karera na overwhelming ang partisipasyon ,smooth na natapos at walang sino mang triathlete ang nasaktan sa race.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI