Sinusulong ni Senator Idol Raffy Tulfo ang paggamit ng Health Rating System sa labels ng mga packaged food products, bilang karagdagan sa standard nutritional facts label.
Sa paghain ng Senate Bill (SB) No. 1684, binigyang diin ng Senador na mahalagang magkaroon ng sapat na impormasyon ang mga mamimili tungkol sa mga pagkaing binibili nila para maiwasan din ang mga nakamamatay na sakit.
“The effects of the COVID-19 pandemic have highlighted the importance of health and wellness; this includes comprehensive knowledge of the food individuals consume. Undeniably, people who maintain a healthy diet will have a lower risk of serious illnesses and enjoy a better quality of life,” nakasaad sa explanatory note ng panukalang batas.
Ayon sa Department of Health (DOH), ang pangunahing sanhi ng kamatayan sa Pilipinas ay ang mga sakit sa puso, vascular system, respiratory system, kasama ang mga malignant cancer at diabetes.
Matatandaang nauna nang nagpahayag ng pagkabahala si Tulfo tungkol sa mataas na level ng sodium sa instant noodles at de-latang sardinas, na madalas na kinakain ng mga taong nagmumula sa mahirap na pamilya.
Ang paggamit ng nasabing Rating System ay magpapalawak sa kaalaman ng mga consumers tungkol sa mga pagkaing kinokonsumo nila.
Sinusukat ng Health Rating System ang pangkalahatang nutritional profile ng mga packaged food products mula sa “1” (least nutritious) hanggang “5” (most nutritious).
Ang nasabing rating system ay kinakalkula batay sa kabuuang Energy o Kilojoules, saturated fat, sodium, sugar content at fiber. Ang Health Rating System ay ilalagay sa harap ng nakabalot na produkto ng pagkain.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
Lalaki dinampot sa higit P300K shabu sa Caloocan
Kelot na wanted sa sexual offenses sa Valenzuela, timbog!