DUMALO ang 15 may-ari ng farm schools at learning sites sa Luzon sa “Training of Trainers on Production of High Quality Inbred Seeds and Farm Mechanization” program na idinaos sa Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (Villar SIPAG) Farm School sa Bacoor City. Isinagawa ng Agricultural Training Institute-Regional Training Center IV-A, Philippine Center for Post-Harvest Development and Mechanization at Philippine Rice Research Institute-Los Banos, layunin ng training course ang mapalawak ang kaalaman at kakayahan ng mga kalahok sa mga makabagong teknolohiya sa produksyon. Sinabi ni Sen. Cynthia Villar, director ng Villar SIPAG, na ang kurso ay bahagi ng programa sa ilalim ng Republic Act 11203 o ang batas para sa P10-billion Rice Competitiveness Enhancement Fund kung saan pangungunahan ng trainers ang pagtuturo sa mga magsasaka mula sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas para madagdagan ang kanilang ani at kita sa pagpapababa ng halaga ng produksyon ng palay. Nasa larawan sina Engr. Niño Bengosta (Philmech), Engr.Don David Julian (Philmech), Ms.Maritess Piamonte Cosico (ATI REGION 4A).
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY