DAHIL ang Mindanao ang nagsusuplay ng 40% na kailangang pagkain ng bansa at nag-aambag ng 30% sa national food trade, siniguro ni Sen. Cynthia A. Villar na higit niyang palalakasin ang paglago ng sektor ng agrikultura.
Bilang mambabatas, sinabi ni Villar na gumawa at isinulong niya ang mga batas upang mapabuti ang pamumuhay ng ating mga magsasaka at stakeholders ng industriya ng agrikultura.
Guest Speaker ang senador, chairperson ng Senate committee on agriculture and food, sa Kilusang Pagbabago (KP) 1st Regional Farmers Summit na idinaos sa Corpus Christi Gym, Macasanding, Cagayan De Oro City noong January 19.
Tema ng KP’s 1st summit ang “Unity of the Farmers are the new Challenge of the Future for Sustainable Development.”
Sa summit, inilatag ng senador ang mga ginawa at itinaguyod niyang batas upang tulingan ang Mindanao, kung saan nakalaan ang 1/3 ng lupa nito sa agrikultura.
Ang mga batas na ito ay ang mga sumusunod:
1. Hatchery Laws. Noong 16th Congress, naisabatas ang 10 Multi-specie Marine Hatchery at 7 rito ay para sa mga lalawigan ng Mindanao.
Sa 17th at18th Congresses, 31 Multi-specie Marine Hatchery bills ang naging batas at 7 rito ang para rin sa Mindanao.
2. RA No. 10659 o Sugarcane Industry Development Act (SIDA).
3. RA No. 10816 o Farm Tourism Development Law,na lumikha ng mga farm schools sa bawat bayan sa Pilipinas. Ngayon, mayroong 2,805 mga farm schools..
4- RA No. 10817 o An Act Instituting the Philippine Halal Export Development and Promotion Program.
5. RA 11511 o An Act Amending RA No.10068 or the Organic Agriculture Act of 2010, na ginagawang mas mura at abot-kaya ang sertipikasyon ng mga produktong organiko sa maliliit na magsasaka.
6. RA No. 11524 o Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act.
7- RA No. 115471 o An Act Declaring the City of Davao as the Chocolate Capital of the Philippines and the entire Davao Region (Region 11) the Cacao Capital of the Philippines.
8- RA No. 11203 o ang Rice Tarificarion Law na nagpopondo sa Rice Competitiveness n Enhancement Fund (RCEF).
9- RA No. 11598 or the Cash Assistance for Filipino Farmers Act na ang pondo ay mula sa koleksyon ng taripa sa imported na bigas. Beneficiaries nito ang may 1.6 magsasaka na may-ari ng sakahan na may sukat na 2 ektarya pababa at tatanggap ng P5,000 kada taon.
Nangako rin ang senador na ipapasa sa kasalukyang Kongreso ang Livestock Poultry and Dairy Development Law at Corn Industry Development Law.
Ang Kilusang Pagbabago (KP) ay samahan na naglalayong baguhin ang bunay ng mga mamamayan alinsunod sa mga programa ni dating President Rodrigo Duterte. Ang mga programang iro ay laban sa krimen, droga at korapsyon, pagpapalakas sa social services; pagtataas sa kalidad ng pamumuhay at ang katahimikan, pagkakaisa at pederalisyo.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI