Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) ang nangyaring stabbing incident sa Culiat High School sa Quezon City na nagresulta sa pagkamatay ng isang estudyante.
Sa inilabas na kalatas, sinabi ng DepEd-National Capital Region (DepEd-NCR) na dakong alas-5:45 ng umaga nang saksakin ng isang Grade 7 student ang kanyang kapwa kaklase sa loob ng nasabing paaralan.
Una nang lumabas na nagkaroon diumano ng “hindi pagkakaunawaan” dahil sa selos ang dalawa, bagay na nauwi sa pananaksak.
“We are deeply saddened and disturbed that violent incident such as this happened among our students inside the school which is supposed to be a safe place,” ayon sa DepEd.
Sa report ng Schools Division Office (SDO) ng Quezon City, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang sangkot na Child in Conflict with the Law (CICL).
“Also, the students who witnessed the said incident already underwent psychological first aid,” ayon sa DepEd.
Tiniyak ng DepEd-NCR, sa pamamagitan ng SDO ng QC at Culiat HS, ang tulong sa pamilya ng biktima.
Magpapatupad din ang departamento ng mga stress debriefing sessions sa mga guro at estudyanteng nakasaksi sa krimen.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI