USAP-USAPAN si Valenzuela Rep. Rex. Gatchalian ang napupulsuhan na susunod na Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary dahil malabo ang tsansa na ma-reappoint si Erwin Tulfo.
Ayon sa website ng Politiko.com.ph, mabilis na umugong ang posibleng pagkakatalaga kay Gatchalian sa Gabinete sa loob ng Palasyo.
Sinasabing parehong napipisil nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta Marcos si Gatchalian na susunod na DSWD Secretary.
Matatandaan na sinuportahan ni Gatchalian, na dating three-term mayor ng Valenzuela, sina Marcos at kanyang running mate na si Vice President Sara Duterte noong 2022 elections. Marami siyang napanalunang award dahil sa kanyang mahusay na pamumuno sa siyudad.
“Malabo nang makabalik si Erwin (Tulfo) bilang DSWD Secretary,” ayon sa source.
Bagama’t nabigo, may posibilidad na i-appoint si Tulfo bilang presidential adviser o head ng ahensiya na hindi na kailangan ng kumpirmasyon para pumasa sa Commission on Appointments.
“May naghihintay na posisyon kay Erwin. Parang presidential adviser pero hindi pa malinaw ang detalye,” ayon sa source.
Matatandaan na dalawang beses na by-pass si Tulfo ng CA dahil sa kanyang libel conviction at kanyang pagiging American citizenship.
Sa naunang mga pahayag, sinabi ni Tulfo na binitiwan na niya ang kaniyang American citizenship, habang nakaapela naman ang desisyon sa mga kaso niyang libelo.
More Stories
Matapos hiwalayan ng asawa… CHLOE SAN JOSE MAY BUWELTA KAY AI-AI: ‘BACK TO YOU, MAMANG’
NON-COMPLIANT ONLINE STORES IPA-‘PADLOCK’ NG BIR
PNP HANDANG TUMULONG SA POSIBLENG PAG-ARESTO NG INTERPOL KAY DIGONG