November 19, 2024

SLP Cup bukas na sa Davao…Hataw ang 350 Swimmers sa Mindanao

KABUUANG 350 swimmers mula sa mahigit 20 clubs at organisasyon ang kumpirmadong lalahok sa Mindanao Swim Series 1-Davao Del Sur Cup ngayong weekend (Jan. 14-15) sa Davao del Sur Sports Complex swimming pool sa Brgy. Matti, Digos City.

Inorganisa ng Swim League Philippines, ang dalawang araw na torneo ay panimulang programa ng SLP ngayong taon bilang pagpapatuloy sa misyon na mapalakas ang swimming sa grassroots level at mabigyan ng sapat na kaalaman at pagsasanay ang mga coach at technical officials sa sports.

Sinabi rin ni SLP president Fred Ancheta na ang torneo ay pre-qualifying selection para sa miyembro ng koponan na isasabak sa Middle East Open sa Hulyo sa Dubai, gayundin sa binubuong koponan na ilalahok sa Bangkok Invitation Schools at Universiade Games.

“We’re happy and proud to our Mindanaoan brothers who always supporting our grassroots program. Kasama kami sa panawagan na pagkakaisa para maisulong ang tunay na reporma sa swimming at sa pamamagitan ng mga torneo na ito, mapapatunayan natin na we value our young talents in Mindanao,” pahayag ni Ancheta.

“Kami na ang lalapit sa ating mga kapatid sa mga probinsiya para mabigyan natin sila ng pagkakataon na hindi na nila kailangang pang gumastos ng pamasahe papuntang Manila,” sambit ni Ancheta.

Nakatakda ring isagawa ng SLP ang Mindanao Series 2-Zamboanga Swim Cup sa Hunyo 17-18 sa Zamboanga City, habang ang Visayas Series 1 ay gaganapin sa Tagbilaran City ang Visayas Series 2 sa Marso 18-19 at ang Series 2 sa St. John Institute sa Bacolod City sa Abril 29-30.

“Hindi lang tayo naka-concentrate sa Manila buong bansa susuyurin natin para makita natin ang mga tagong talent na maari nating malinang para maging future National player,’ aniya.

Iginiit ni Ancheta na ang lahat ng torneo ng SLP ay bukas para sa lahat anuman ang kinaaanibang organisayon at swm clubs, higit at nakatuon ang programa sa pagpapalawak ng kaalaman sa swimming.

“Lahat puwedeng sumali. Kahit anong swimming club or organization ang affiliations, walang maiiwan. Ang purpose natin ay sports development kaya nararapat lang na magkaisa at ituosn ang direksyon sa iisang direksyob,” sambit ni Ancheta.

Sa mga interesadong lumahok magpadala lamang ng entries sa [email protected]  o makipag-ugnayan kay  Rolly Dela Cruz (0905-8479233 at  0919-5772982) at SLP (0917-714-0077).