KALABOSO ang isang 19-anyos na tulak umano ng illegal na droga at listed bilang High-Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng higit P.5 milyon halaga ng shabu nang maaresto sa buy bust operation sa Caloocan City, Biyernes ng madaling araw.
Kinilala ni PLt Col. Renato Castillo, hepe ng District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (DDEU-NPD) ang naarestong suspek bilang si Jeremy Laboza alyas “Jermy”, 19, (HVI) at residente ng No.1 Ilalim ng Tulay, Brgy. Balumbato, Balintawak, Quezon City.
Sa kanyang report kay NPD District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Castillo na dakong ala-una ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni PSMS Michael Tagubilin ng buy bust operation sa G. De Jesus St., Brgy. 139 kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P3,500 halaga ng droga.
Nang tanggapin ang marked money mula sa police poseur buyer kapalit ng isang plasric sachet ng umano’y shabu ay agad inaresto ng mga operatiba ang suspek.
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 80 grams ng hinihinalang shabu na may DDB standard value Php 544,000.00, buy bust money na isang tunay na P500 bill at anim pirasong P500 boodle money at paper bag.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) of Article II of R.A. 9165.
More Stories
MAYROON AKONG DEATH SQUAD – DIGONG
RESPONSIBILIDAD SA MADUGONG DRUG WAR, INAKO NI DUTERTE
Kaugnay sa POGO scandal… ROQUE, 2 IBA PA KINASUHAN NG HUMAN TRAFFICKING