Sa pamamagitan ng Luzon Clean Water Development Corp. (LCWDC) nito ay mabibigyan na ng San Miguel Corporation ng malinis, sapat at abot-kaya na halaga ng tubig ang humigit-kumulang 350,000 kabahayan sa Bulacan sa unang bahagi ng taong 2025.
Ito ay kapag natapos na ang implementasyon ng Stage 3A Bulacan Bulk Water Supply Project (BBWSP) na sakop ang mga distrito ng Baliwag, Norzagaray, Hagonoy, Pandi, San Ildefonso, San Miguel at San Rafael.
Sa kasalukuyan ay 13 water districts sa Bulacan ang nakakakuha na ng treated bulk water na ipinapamahagi sa 220,000 kabahayan sa siyudad at bayan na kasama ang Balagtas, Bocaue, Marilao, City of Meycauayan, Obando, City of San Jose Del Monte, Bulakan, Calumpit, Guiginto, City of Malolos, Paombong, Plaridel at Sta. Maria.
Lumalabas rin na ang presyo na LCWDC para sa nasabing Bulacan water districts ay may pinakamababang presyo sa bansa sa P9.66 kada cubic meter o 1 centavo kada litro.
Kapag natapos ang Stage 3 ay aabot na sa 24 lugar ang sakop ng LCWDC sa Bulacan.
“With the growing population in the province, we expect a greater demand for water in the coming years. As such, our BBWSP teams are working double time to further expand our coverage areas to allow more households to benefit from reliable, affordable, clean, and potable supply of water. We still have a long way to go given the delays brought about by the pandemic, but with the support of local government units, water districts, and the Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), we are confident we can meet our targets on time,” wika ni SMC President and CEO Ramon S. Ang.
Sang-ayon kay Ang, ang hangad na nasabing proyekto ay upang mapunan ang pangangalilan para sa tubig na malinis, may abot-kayang halaga at maaasahan na walang masamang epekto sa kapaligiran na dulot ng sobra-sobrang pagkuha ng tubig mula sa groundwater sources.
Ang average volume kada araw ng Bulacan Bulk Water Supply Project ay 190 million liters kada araw, at may maximum capacity na 388 million liters kada araw
Isa lamang ang BBWSP sa proyekto ng SMC na may kinalaman sa tubig.
Noong 2017 ay itinigil ng SMC ang bottled water business nito para mabawasan ang epekto sa kapaligiran. May proyekto rin ang kumpanya upang mabawasan ang paggamit ng tubig ng 50 porsyento sa taong 2025.
Tinapos naman ang SMC ang P 1-billion Tullahan River cleanup noong Septembre at 1.12 million metric tons ng dumi at basura ang natanggap sa nasabing ilog. Kasalukuyang may river cleanup project rin ang SMC sa Pasig River.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY