PORMAL nang aarangkada ng operasyon ang bagong sport na Chinlone sa Pilipinas.
Ayon kay Philippine Chinlone Association Inc.(PCAI) secretary general Solomon B.Padiz, pangungunahan ni PCAI president Emmanuel Regio ang pagdaraos ng opisyal na pulong koordinasyon ng PCAI kung saan ang agenda ay ang sumusunod ;
Introduction of PCAI officers, coaches and athletes; Orientation about PCAI Historical Foundation; Plans and Program ;possible trip to Myanmar this January 2023 ang tampok na tatalakayin
“Gaganapin ang PCAI Team First Coordination Meeting sa DeLa Salle HSI sa Dasmariñas,Cavite at nakatakda ito bukas( Biyernes, January 13, 2023), 9 am onwards. Inaasahan natin ang full force na pagdalo ng lahat ng konsernado sa ating PCAI coordination meeting, Go Chinlone!” wika ni Padiz- prominenteng sportsman at dalubhasa sa academe.
Ang larangan ng Chinlone na nag-originate sa China at lumaganap sa ilang bansa sa Timog Silangang Asya at kilala rin bilang caneball ay isang tradisyunal, national sport ng Myanmar.
Kabilang na ito sa pinagtunggaling event sa Southest Asian Games noong nakaraang Myanmar SEAGames. Ngayon lang ito naipakilala para ilaro sa Pilipinas kung kaya nabuo ang PCAI sa pagsisikap nina Regio ,Padiz at iba pa.
Anim na katao ang naglalaro chinlone bilang team at ang bola ay gawa sa rattan na ang tunog kapag tinamaan ay tulad ng sa basket.
“Its a kind of sport that Filipinos can excel,” sambit naman ni PH Chinlone chief Regio.
Si Paulo Belen ang Director for Luzon PCAI at inaasahang lakawig na ito sa buong kapuluan sa lalong madaling panahon.
Nakatakda ring tumulak patungong Myanmar ang mga opisyal ng PCAI para sa development ng naturang sport sa Pilipinas.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?