PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Miyerkules ang pamamahagi ng cash assistance sa mga mangingisdang nasalanta ng mga pagbaha at malakas na pag-ulan sa mga lalawigan ng Misamis.
Namigay ang Pangulo ng mga sobre na may lamang P5,000 bawat isa sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) sa Gingoog City Hall sa Gingoog, Misamis Oriental.
Iniulat ng local government ng Gingoog na pumalo na sa 18,452 ang bilang ng mga pamilya, habang 45 sa 59 na barangay ang naapektuhan ng pagbaha.
“Ako ay nandito upang tingnan kung ano ba talaga ang nangyari at kung ano ‘yung mga kailangang gawin. At tiyakin na ‘yung mga nawala sa tahanan, mga evacuees ay nasa inyo lahat ng inyong pangangailangan,” pahayag ng Pangulo.
“Kaya’t tinitiyak namin na lahat kayo na hindi pa makauwi sa inyong mga tahanan at nandito pa sa mga evacuation center ay sinusuportahan, inaalagaan, mayroon kayong kinakain, mayroon kayong tinutulugan,” dagdag pa niya.
Tiniyak din ni Pangulong Marcos na tutulungan sila ng gobyerno na muling maitayo ang kanilang mga bahay na nasira.
“Sa lalong madaling panahon gagawin namin ‘yung mga partially damaged. Kasi ‘pag tinitingnan namin ‘yung mga report, mayroon ‘yan how many households, ilang household ang sira. Mayroon ‘yung completely damaged, mayroon naman ‘yung partially damaged. Iyong mga partially damaged ‘pag puwede nang balikan eh magdadala rin kami ng rebuilding material para naman maayos ninyo ‘yung mga bahay,” ayon sa Pangulo.
Ang mga mangingisda at mga magsasaka na apektado ng krisis ay maaari nang mag-avail ng “wide range of assistance” ng pamahalaan, kabilang ang Sure Aide Program at ang Rice Farmer Financial Assistance (RAFA), na parehong nasa ilalim ng DA. Ang iba pang assistance na available ay ang Emergency Shelter Assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang ‘Bangka Ko, Gawa Ko’ Program ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI