November 19, 2024

NPA FINANCE HEAD NA WANTED SA MURDER ARESTADO

NADAKIP ng pinagsanib na puwersa ng Armed Forces of the Philippines at Philippine Naitonal Police ang isang NPA finance officer na wanted sa murder at attempted murder sa Baras, Rizal.

Nagsagawa ang trpoa ng 80th Infantry Battalion, 1st Infantry Batallion, Rizal PNP at Baras PNP ng isang law enforcement operation sa Barangay Pinugay na nauwi sa pagkakaaresto ni Antonio Pule alyas Dads, residente ng Kasiglahan Village, Brgy. San Jose sa Montalban.

Si Pule ay pinuno ng finance staff at miyembro ng EXECOM ng Southern Tagalog Regional Party Committee’s Sub Regional Military Area 4A.

Naaresto si Pule sa bisa ng warrants of arrest sa kasong murder.

Matatandaan na noong Disyembre 17, 2020 nang ihain kay Pule ang dalawang arrest warrants sa Sitio Malalim sa Brgy. San Juan, Baras na nauwi sa engkwentro sa pagitan ng puwersa ng gobyerno at NPA, na nagresulta sa pagkamatay ng limang rebelde at pagkakasamsam sa dalawang M16 rifles, isang caliber 45 pistol, isang 9mm pistol, isang submachine gun at mga subversive documents.

“We are consistently working with our security sector partners in upholding the rule of the law. We are also grateful for the efforts and cooperation of our kababayans that resulted to the apprehension of these wanted NPA rebels. Relative thereto, we are urging those who are still in arms to return to the folds of the law so as not to suffer the same fate as these rebels,” ayon kay 2ID Commander Maj. Gen. Roberto S. Capulong.