November 17, 2024

Pilipinas Super League Pro… ILONGGO SUPERMAN BALIK-AKSIYON NGAYON SA DAVAO COCOLIFE TIGERS

MAGPAPAKITANG -GILAS muli sa Pilipinas Super League ang tinaguriang Ilonggo Superman na si Billy Ray Robles sa nakatakdang laban ng kanyang orihinal na mother team na Davao Occidental Tigers Cocolife ngayong hapon sa San Andres Gym sa Malate,Manila.

Ang top gunner ng team Tigers ng Bautista clan sa Davao Occidental at suportado naman nina Cocolife President Atty.Jose Martin Loon,SVP Joseph Ronquillo,VP Rowena Asnan at EVP Franz Joie Araque ay nagbalik sa kanyang orihinal na kuwadra upang lalo pang palakasin ang frontline at  offensive thrusts na kanilang  sandata sa winning tradition ng  Davao Cocolife Tigers.

Haharapin ng nangunguna sa team standing na Tigers(5-0) ang mapanganib na Quezon City Beacons bandang 4: 00 ng hapon sa pagpapatuloy ng Pilipinas Super League Pro Second Conference eliminations  sa Maynila.

Si Robles ay naging free agent matapos na mapaso at di na nagrenew ng kontrata sa kanyang  koponang NLEX sa PBA ng isang komperensya.

“Definitely ang pagbabalik ni Billy( Robles ) ay lalong magpapalakas ng ating frontline at subok na ang kanyang husay mula pa noong nagkampeon tayo sa MPBL at noong first conference sa PSL”,sambit ni SVP Ronquillo. “The winning tradition continues” Muling makakasama ni Robles sa tradisyong tagumpay ang reliable Tigers na sina Robbie Celis,Bonbon Custodio,Emman Calo,Larry Rodriguez,Keith Agovida,MVP Gab Daganon,Kyt Jimenez,John Wilson at iba pa na lalong nagpapalakas ng hatak sa followers ng ligang inorganisa ni PSL  President Rocky Chan katuwang sina VP Ray Alao at Commissioner Marc Pingris na suportado naman ng  Winzir at Dumper.