November 24, 2024

‘PACQUIAO HAS BETTER LEGACY THAN FLOYD MAYWEATHER’— MCGIRT

Inihayag ni former boxing champion na si Buddy McGirt na ang legacy ni Manny Pacquiao ay mas mainam kay Floyd Mayweather Jr.

Ayon kay McGirt, kahit aniya kumita ng $1 bilyong dolyar si Floyd, hindi nito mapapantayan ang narating ni Pacquiao.

Panalo raw aniya si Pacman dahil sa pagiging eight-division world boxing champion.

 “I’d say the eight-division champion because it’s something you will always be remembered for,” pahayag ni McGirt.

You still got a lot of money. You don’t have a billion dollars, but you got something your kids and grandkids could remember.”

“It’s a legacy, something that lives on forever,” aniya.

Si Pacquiao ay naging world champion sa pitong okasyon, kabilang ang Ring Magazine belts at lineal titles.

Samantalang si mayweather aniya ay titelist sa five division at nalapasan si Rocky Marciano  sa 50-0 unbeaten record nang matalo nito si UFC star Conor McGregor noong 2017.

Si Mayweather na tinaguriang ‘The Money’ at pay-per-vier king ay nagbulsa ng $1 billion sa kanyang boxing career.

Ngunit, mas pinaburan din ni boxing icon Bernard Hopkins ang career ni Pacquaio.

 “I’d rather have Manny Pacquiao’s legacy than Floyd Mayweather’s,” pahayag ni Hopkins sa Ring Magazine.

Manny fought everybody. Floyd fought guys (on his own terms),” aniya.