
Sumakabilang buhay na si dating pope Benedict XVI sa edad na 95.
Sa announcement ng Vatican, yumao ang dating pope nitong Sabado, Disyembre 31, halos isang dekada matapos itong magbitiw bilang Santo Papa noong Pebrero 2013.
Magugunitang nitong Miyerkoles, hiniling ni Pope Francis sa mga mananampalataya na ipagdasal si ex-pope Benedict dahil nasa malubha itong kalagayan.
“With sorrow I inform you that the Pope Emeritus, Benedict XVI, passed away today at 9:34 in the Mater Ecclesiae Monastery in the Vatican,” pahayag ni Vatican spokesman Matteo Bruni sa isang statement.
Ang labi ng dating pope ay ilailagay sa Saint Peter’s Basilica mula sa Lunes, Enero 2, 2023 para sa “greeting of the faithful.”
More Stories
Mahigit 57,000, Pinayagang Makaboto sa Local Absentee Voting — Comelec
POPE FRANCIS, PUMANAW NA SA EDAD NA 88
IMEE MARCOS: PRESYO NG BILIHIN, TULONG SA SOLO PARENTS, SENIOR AT PWD, PRAYORIDAD SA SUSUNOD NA TERMINO