
ITINIGIL na ang 24/7 Libreng Sakay sa EDSA Bus Carousel, isang programa ng Department og Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
“Simula ika-1 ng Enero 2023 ganap na alas-5 ng umaga (5am) ay may bayad na ang pamasahe mula PITX hanggang Monumento (vice versa),” saad ng the LTFRB sa Facebook post.
Sa pinakahuling tala na inilabas ng LTFRB, nabatid na umabot na sa 80,832,186 pasahero ang nakakuha ng libreng serbisyo ng bus carousel hanggang noong Disyembre 26 lamang habang nasa 87 operators at 751 public utility vehicles (PUVs) naman ang nakiisa sa programa.
“Isang malaking karangalan para sa ahensya ang mabigyang pagkakataon na magsilbi sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng Libreng Sakay,” ayon naman sa LTFRB.
Una na ring tiniyak ni Transportation Sec. Jaime Bautista na ipagpapatuloy nila ang pagpapahusay sa serbisyo ng EDSA Busway para sa mga pananakay.
More Stories
Mahigit 57,000, Pinayagang Makaboto sa Local Absentee Voting — Comelec
POPE FRANCIS, PUMANAW NA SA EDAD NA 88
IMEE MARCOS: PRESYO NG BILIHIN, TULONG SA SOLO PARENTS, SENIOR AT PWD, PRAYORIDAD SA SUSUNOD NA TERMINO