HINDI magdedeklara ng tigil-putukan ang Communist Party of the Philippines (CPP) ngayong Kapaskuhan matapos ang pagkamatay ng kanilang founder na si Jose Maria Sison.
Sa pahayag mula sa CPP information bureau, sinabi ng CPP Central Committee na walang mangyayaring ceasefire ngayong holidays, kabilang ang ika-54 anibersaryo ng pagkakatatag ng CPP, at sa gitna ng pagluluksa sa pagpanaw ni Ka Joma.
“There is absolutely no reason to declare a ceasefire to mark the holidays and the upcoming 54th Party anniversary,” ayon sa komunistang grupo.
Idinagdag nito na ang mga armadong tropa ay patuloy na ipinakalat sa mga lugar kung saan may mga operasyon sa pagmimina, pagpapalawak ng mga plantasyon, mga proyektong imprastraktura na pinondohan ng mga dayuhan kabilang ang mga dam at kalsada, at iba pang malalaking operasyon ng negosyo na sinasalungat ng mga lokal na komunidad.
Sinabi ng CPP na ang armed wing nito, ang New People’s Army (NPA), ay awtorisado na maglunsad ng mga taktikal na opensiba laban sa pwersa ng gobyerno.
“The NPA must demonstrate in a concentrated form the people’s outrage against the AFP and political repression, socioeconomic oppression and national treachery under the US-Marcos regime, and strengthen their determination to fight back against state terrorism and carry forward their revolutionary struggles,” ayon sa CPP.
Ang bakbakan sa pagitan ng CPP-NPA at gobyerno ng Pilipinas ay nagpapatuloy sa loob ng limang dekada.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI