November 18, 2024

CPP TULUYAN NANG GUGUHO SA PAGKAMATAY NI JOMA SISON – DND

Naniniwala ang Department of National Defense na nasa mabuting kalagayan na ngayon ang Pilipinas matapos ang pagkamatay ni Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison.

“The death of Jose Maria Sison is but a symbol of the crumbling hierarchy of the [Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front of the Philippines], which he founded to violently put himself in power,” ayon sa DND.

“His death deprived the Filipino people of the opportunity to bring this fugitive to justice under our country’s laws,” saad pa nito kaugnay sa pagkamatay ni Sison sa Netherlands, kung saan siya nanatili simula 1980s.

Hinimok din ng DND na sumuko na ang mga rebelde na patuloy na niniwala sa maling paniniwala.

“We call on the remaining few believers, who have unwittingly turned themselves into the enemy of the people, still blinded by Sison’s duplicitous and failed promises, to turn their backs on the violent and false ideology of the CPP-NPA-NDF,” ayon sa defense department.

Inabandona ng gobyerno ang peace talks sa CPP-NPA-NDF at mas pinili ang ”localized” efforts upang kombinsihin ang mga komunistang rebelde na sumuko kapalit ng livelihood at financial assistance.

“A new era without Jose Maria Sison dawns for the Philippines, and we will all be the better for it. The greatest stumbling block of peace for the Philippines is gone; let us now give peace a chance,” saad ng defense deparment.

Galak na galak naman si Lorraine Badoy, ang dating spokesperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pagpanaw ni Sison.

Sa kanyang post sa Facebook, tinawag pa ni Badoy na demonyo si Sison. 

“With the death of this royal ass, the death of the CPP NPA NDF is imminent. Padaliin pa natin. Magtulungan tayo. Rest in Piss, Demonyo. May your soul burn in hell for all eternity,” anya.

Dapat din umanong magpaliwanag ang Netherlands sa ginawa nitong pagkupkop ng mahabang panahon kay Sison.

“For this, the Nederlands has much to answer for to the Filipino nation and the global community. And for this, his accomplices have much to pay for. And we must exact Justice from each and every one of them,” ani Badoy.