December 21, 2024

Aksiyon na sa PSC-Batang Pinoy’22… “LET THE GAMES VIGAN!”

ILOCOS SUR – Ang Philippine Sports Commission-Batang Pinoy National Championship ay maugong ang pagbabalik matapos ang dalawang taong tengga bunga ng pandemya.

Limang sports events kaagad ang aarangkada sa kaganapang  centerpiece grassroots development program dito sa lalawigang bukas na  para sa mga turista.

Raratsada ang mga hostilidad sa larangan ng archery,badminton,chess ,table tennis, at medal- rich swimming  na idaraos sa iba’t- ibang bayan at siyudad ng Ilocos Sur.

Bagamat lumarga na ang mga aksiyon ngayon ay kinabukasan pa ang pag-ani ng medalya kasabay naman ng mga aksyon sa centerpiece sports na swimming,athletics sa Quitino  grounds,archery  at cycling sa  Provincial Capitol sa Vigan at weightlifting sa Caoayan.

Ang obstcle aports ay walang balakid na gaganapin sa Sta Catalina Gym.

Ang naturang palaro sa Hilaga ay sa timon ng PSC ni chairman Noli Eala at ini-host ng Province of Ilocos Sur sa pamumuno ni Gov.Jerry Singson .

“The goal of Gov .Singson is to show to the whole country not just the province and Region 1 that Ilocos Sur tourism is now fully open to business”,wika ni Jester Singson,special assistant to the governor in sports.