November 18, 2024

DFA NAGHAIN NG DIPLOMATIC VS CHINA (Sa pang-aagaw ng rocket debris)

NAGHAIN ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa China kaugnay sa nangyaring insidente sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea.

Inihain umano ang protesta noong Disyembre 12.

Noong Nobyembre nagpadala na ang DFA ng note verbale sa China upang linawin ang insidente.

Inisyu ang note verbale matapos umanong puwersahang kunin ng isang barko ng Chinese Coast Guard ang rocket debris mula sa Philippine Navy.

Ayon sa Philippine military, tino-tow ng Philippine Navy ang hinihinalang rocket debris sa Pag-asa Island nang isang barko umano ng Chinese Coast Guard ang humarang sa bangka nila at puwersahang kinuha ang debris noong Nobyembre 20.

Itinanggi naman ng Chinese Embassy sa Maynila na may nangyaring “forceful retrieval”. Dagdag nito, isang “friendly” consultation ang nangyari.