November 19, 2024

GABI NG PARANGAL SA 16 NA PAST MASTERS NG N.S. AMORANTO MASONIC LODGE 358 MASAYANG NAIDAOS

PINARANGALAN ng Norberto S. Amoranto Masonic Lodge 358  sa Past Masters Night ang 16 na  naunang pinuno nito simula pa ng taong 2005 hanggang sa taong kasalukuyang taon na ginanap sa Seda Hotel, Quezon City noong Sabado, December 9,2022.

Nanguna sa pinaranagalan sa pagdiriwang si Chartered Master VW Ramon R. Ignacio na naupo noong 2005. Siya ang kauna-unahang pinuno ng N.S. Amoranto 358 makaraan niya itong itatag noong 2004 kasama ang iilang kapatiran na naging bahagi para ipanganak ang nasabing lohiya.

Ayon kay Chartered Master VW Ignacio, matapos ang pag-uusap at pag-unawa sa pangangailangan at daing ng kanyang mga kapatid, naipanganak ang lohiyang ito upang bigyan ng pansin  ang kanyang mga brother mason na tila hindi nabibigyan ng halaga bilang kapatiran.

Mula sa iilang kapatid na mason na dumadalo sa pagpupulong hanggang sa dumami ang bilang nito, nabuo at ipinanganak na ang N.S. Amoranto 358 noong 2005. Kasabay ng kapanganakan nito ang 16 na Past Masters na pinamunuan ni VW Ramon R. Ignacio- M.Y. 2005, VW Reuben A. Ganaden –M.Y. 2006, VW Elpidio S. De Chavez-M.Y. 2007, VW Antonio Ace T. Espejo-M.Y. 2008, VW Galeleo P. Angeles-M.Y. 2009, VW Alex E. Soriano-M.Y. 2010, VW Reynaldo A. Garcia- M.Y. 2011, VW Procorpio G. Lipana- M.Y. 2012, VW Tony D. Ong-M.Y. 2013, VW Noel S. Ferrer M.Y. 2014, VW Remigio B. Gregorio- M.Y. 2015, VW Joselito B. Mendoza-M.Y. 2016,VW Mario R. Sibucao-M.Y. 2017, VW Jerome T. Uy- M.Y. 2018, VW Jose Dennis F. Bongon- M.Y. 2019 at VW Solivan L. Usman –M.Y. 2020-2021.

Naging masaya at matagumpay ang muling pagkikita ng mga Past Masters kasama ang mga buong kapatiran pati na mga pamilyang na kasama nila. Kasabay ang pagdiriwang ng Christmas party para sa lahat.