MULA sa pagiging sponsors – maliit man o malaking derby – ikinasa ng Thunderbird ang Manila Challenge 6-Stag All Star Invitational Derby kamakailan sa Manila Arena hindi lamang bilang pagpapatibay sa samahan ng lahat ng mga endorses ng nangungunang gamefowl products sa bansa bagkus makalikom ng pondo para masustinihan ang mga programa sa kawanggawa at pangangailangan sa itinayong Health Center sa Palawan.
Iginiit ni Alimario Flores, Trade Marketing Head ng Thunderbird, na sadyang apektado ng pandemya ang industriya ng sabong sa nakalipas na halos tatlong taon kung kaya’t pilit na itinataguyod ng Thunderbird ang pangangailangan ng lahat ng stake holders sa industriya.
“During the pandemic, lahat hindi alam ang gagawin. Lahat nangangapa. Dahil nahinto ang mga sabong, we came out with an idea on how to help our partners and support the industry. We identify our partners and dealers. Yung mga tindahan, lalo na yung malillit binigyan namin ng ayuda yung mga takal boys at tindera. Sa mga farm, sinuportahan din namin yung mga workers, mananari at mga doctor ng manok.
“Hindi lang mga tao ang binigyan namin ng ayuda, pati yung mga manok naglaan kami ng mga bitamina at pagkain lalo na sa maliit na farm,” sambit ni Flores.
Aniya, regular na naglalan ng pondo ang Thunderbird para sa kawanggawa, ngunit nitong pandemya mas pinaigting nila ang programa para makalikom nang karagdagang pondo.
“Actually, nagsimula ang konsepto through the idea of the late sabong legend Ka Lando Lusong. One time kasi napagsama-sama niya sa isang photo shoot and tournament sa Palawan ang mga endorsers ng Thunderbird para sa ‘Sabong Nation’. Yung proceeds ginamit namin para magpatayo ng health center sa isang Barangay sa Palawan,” pahayag ni Flores.
“Kaya napagdesisyunan namin bakit nga ba hindi tayo magpaderby, paglaban-labanain natin ang ating mga endorsers na parang reunion na rin tapos yung proceeds lahat ibibigay natin sa institusyon at ipambili ng mga gamit doon sa health center para mas maserbisyuhan yung mga residente ng naapektuhan ng malakas nabagyo,” aniya.
Mula Luzon hanggang Mindanao, nakilahok ang malalaking pangalan sa industriya sa Manila Challenge kabilang sina Patrick “Idol” Antonio, Rey Briones, at dating Palawan Governor at Congressman Abraham ‘Baham’ Mitra.
“Bukod sa home for the aged at iba pang institusyon na sinusuportahan namin. Dito sa Manila Challenge lahat ng proceeds ibinigay namin para maipambili ng kagamitan at maisaayos pa ang health center,” sambit ni Flores na personal na ibinigay ang ayuda nang magtungo sa Palawan ang Thunderbird management para sa isang pagpupulong nitong nakalipas na Linggo.
“Yung Manila Challenge was designed to earn funds to help the needy. Walang napunta kay Thunderbird dyan, lahat ibinigay namin. Yung mga endorsers naman, hindi na namin kinunan ng ayuda kasi may pot money na silang ginamit sa derby,” ayon kay Flores. Ngayong, nanunumbalik na ang lahat sa normal na pagkilos, sinabi ni Flores na umaasa siyang magbabalik na rin ng tuluyan ang sigla ng industriya upang makabangon na rin ang hanap-buhay ng mga maliliit na mangagawa sa industriya.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
Lalaki dinampot sa higit P300K shabu sa Caloocan
Kelot na wanted sa sexual offenses sa Valenzuela, timbog!