NASABAT ng Bureau of Customs-Port of Zamboanga (BOC-POZ) Water Patrol Division (WPD) ang aabot sa P25 milyon halaga ng smuggled na sigailyo sa baybayin ng Sta. Cruz Island sa Zamboanga City kahapon.
Nagsasagawa ng maritime patrol ang mga elemento ng WPD at Enforcement and Security Service-Customs Police Division (ESS-CPD) sa paligid ng Sta. Cruz Island kung saan nila nasamsam ang 707 master case ng smuggled cigarettes na lulan ng wooden motorized vessel na M/L Paris.
Walang naipakitang importation documents ang 11-man crew para sa kanilang sakay.
Sinabi ng BOC na galing Pangutaran, Jolo sa Sulu ang vessel at patungong Brgy. Baliwasan Seaside sa Zamboanga City.
Sa ngayon ay sumasailalim na sa interrogation at profilling ang mga crew member habang nasa ilalim ng kustodiya ng BOC ang vessel at mga kontrabando para sa inventory at proper disposition. Ang sasakyang pandagat at ang mga kontrabando nito ay nasa kustodiya ng BOC para sa imbentaryo at tamang disposisyon dahil sa paglabag sa Section 1113 (a) ng Republic Act 10863, o mas kilala bilang “Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) of 2016, na may kaugnayan sa Sec. 117 at ng “Tobacco Exportation and Importation Rules and Regulations”.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA