NAGSAGAWA ng kilos-protesta ang militanteng grupo na Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) sa House of Representative sa Quezon City ngayong araw upang ipanawagan na ibasura ang Maharlika Wealth Fund (MWF).
Sa naturang sovereign wealth fund, layon nitong maglipat ng P175 bilyon na pondo dito mula sa SSS at GSIS pension funds at P200 bilyon mula sa Landbank of the Philippines at Development Bank of the Philippines para sa isang panibagong government corporation.
Panawagan ng grupo, sa halip na pagtuunan ng pansin ang pagbuo sa sovereign wealth fund, itaas na lamang ang sweldo ng mga manggagawang nahihirapan na sa kabi-kabilang pagtaas sa presyo ng mga bilihin.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?