
Inihayag ng Department of Health (DOH) na umabot na sa 155 ang naitalang kaso ng Hand, Foot, and Mouth Disease sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Health Officer in Charge Maria Rosario Vergeire, ang mga naturang kaso ay naitala mula noong Oktubre hanggang ngayon araw.
Sa kabuuang bilang, mayorya ng mga tinamaan ay 11 taong gulang pababa.
Pero paglilinaw ng DOH na kahit umakyat na ito sa mahigit isang daan ay wala pa ring dahilan para magdeklara ng outbreak sa NCR.
Manageable pa anila ang sitwasyon sa sakit na ito at patuloy rin ang kanilang koordinasyon sa mga local government units para umalalay sa mga tinatamaan ng Hand, Foot, and Mouth Disease.
More Stories
2 PATAY SA SALPOKAN NG KOTSE AT BUS SA CALAUAG, QUEZON
TRIKE BUMANGGA SA POSTE: BABAE PATAY, 8 SUGATAN KABILANG ANG SANGGOL
KOREAN VOICE PHISHING SUSPECT, HULI SA PAMPANGA