November 15, 2024

Giyerang 3V3 : Pinoys vs SoKors sa URCC DOS Bakbakan na!

SISIKLAB na ang giyera  ng mga pinakamagagaling sa mundong MMA fighters kung saan ay didigmain ng  Pilipinas ang  South Koreans para sa 3 versus 3 format habang sina  Arvin Chan at Will Chope ay magbabakbakan para sa supremacy sa Universal Reality Combat Championship (URCC) 81 mamayang gabi sa  Cove in Okada Manila sa Parañaque City.

Sina Sugar Ray “Mammoth” Estroso kasangga si  URCC champion Caloy “The Bad Boy” Baduria at Boss Bullet Manlilic ay gagawin ang lahat ng makakaya upang mapanatili ang Pilipinas  sa kanilang undefeated streak sa loob ng ‘ three fights, sa inorganisang prestigious main event card na tituladong Decades of Success.

Pero ang South Koreans na binunuo nina Jeong Minhun, Choi Wontae and Jeon Youngjun ay pinaalalahanan ang mga Filipinos na di sila bumiyahe  dito sa Pilipinas para lang matalo. “

“We travel very far so we will do whatever it takes to bring home pride as well,” sambit  ni Minhun

 “Estroso and the rest of the gang welcome the challenge from their South Korean counterparts, saying they are not bothered by the height disparity of their 6-footer, 5-foot-8 and 5-foot-7 foes. “

“Experience how tough Filipinos are. We never backdown to any challenges or fights.” Naniniwala  si President Alvin Aguilar  na ang  3 versus 3 event ay tiyak na  challenging for team Philippines dahl haharapin nila ang deadly South Korean fighters. “This will be a very challenging fight for the Philippines. I am also curious to see how Caloy Baduria will do in a 3 versus 3 format.