NAKALABAS na ang “It’s Showtime” host at komedyanteng si Ferdinand “Vhong” Navarro sa Taguig City Jail Male Dormitory ngayong araw matapos magpiyansa ng P1 milyon na itinakda ng korte.
Ayon kay Atty. Mariglen Abraham-Garduque, collaborating counsel ni Navarro, dakong alas-6:00 ng gabi nang makalabas sa kulungan ang 45-anyos na aktor.
Makakasama na ngayong Pasko ni Navarro ang kanyang pamilya matapos katigan ng Taguig Regional Trial Court (RTC) ang hirit na makapagpiyansa kaugnay sa kasong rape na inihain ng modelong si Deniece Cornejo.
Itinakda ni Taguig RTC Branch 69 Judge Loralie Datahan ang bail ni Navarro sa P1 milyon.
Sa pagpayag na makapagpiyansa si Navarro ay binigyang-diin ni Judge Datahan na ang kredibilidad ang complainant ang pinakamahalagang isyu sa prosekusyon sa isinampang kasong rape.
“The categorical and candid testimony of the complainant suffices, and a culprit may be convicted solely on the basis of her testimony, provided it hurdles the test of credibility,” ayon sa inilabas na order ng Taguig judge na may petsang December 5.
Ayon kay Judge Datahab nakitaan nito ng inconsistency sa affidavit ni Cornejo.
“Indeed, the notable inconsistencies in the testimony of the private complainant could not be simply brushed aside, considering that these delve into the elements of the offense charged,” ayon kay Datahan.
Matatandaang inilipat si Navarro mula sa kustodiya ng National Bureau of Investigation sa Bureau of Jail Management and Penology sa Taguig nakaraang buwan.
More Stories
Matapos hiwalayan ng asawa… CHLOE SAN JOSE MAY BUWELTA KAY AI-AI: ‘BACK TO YOU, MAMANG’
NON-COMPLIANT ONLINE STORES IPA-‘PADLOCK’ NG BIR
PNP HANDANG TUMULONG SA POSIBLENG PAG-ARESTO NG INTERPOL KAY DIGONG