December 27, 2024

P1.96-M PUTING SIBUYAS NASABAT NG BOC

Ibebenta na lamang sa mga Kadiwa stall sa mas murang halaga ang mga nakumpiskang mga smuggled na puting sibuyas.

Ito ang sinabi ng Department of Agriculture (DA) nitong Linggo, Disyembre 4 sa panayam ng DZBB.

Sa ulat, aabot sa P3.9 milyon ang halaga ng mga sibuyas na nasabat ng mga awtoridad at dinala na ng Philippine National Police sa warehouse ng Bureau of Plant Industry para sa imbentaryo.

Ayon sa BPI, walang kaukulang phytosanitary permit ang mga nakumpiskang sibuyas na nangangahulugang maaaring hindi ligtas upang kainin ng mga tao dahil maaaring may taglay itong kemikal.

Nauna na sanang sisirain ito at gawing pataba, ngunit ayon kay DA deputy spokesperson Rex Estoperez, isasailalim na muna ang mga sibuyas na ito sa phytosanitary inspection upang maibenta sa Kadiwa.

“Ang tanong namin ay kapag ‘yan ba ay nilabas sa merkado, sa Kadiwa, ligal o maayos ba ‘yan? Bago natin ilalabas ‘yan, tignan muna kung safe ‘yan o hindi kasi hindi natin masasabi,” aniya. “Sabi naman ni Usec. [Domingo] Panganiban, ‘Sige tignan niyo at gawin natin, ituloy natin ‘yan, ilagay natin sa mga Kadiwa para makabili ng mura ‘yung ating kababayan,’” dagdag ni Estoperez.