November 19, 2024

“Kauna-unahang Air Defense Exercise sa pagitan ng Pilipinas at Japan kasalukuyang isinasagawa”

Bilang paghahangad na palakasin ang Military Cooperation, ang Pilipinas at Japan ay sumasailalim sa kauna-unahang pagsasanay nang magkasama. Kasabay nito ang pagpapadala ng Japan Air Self-Defense Force (JASDF) ng dalawang F15 Fighter Jet sa Pilipinas.

Paliwanag ni PAF Commanding General LTGEN CONNOR ANTHONY D CANLAS SR, ang pagsasanay ay nakatuon mismo sa Integrated Air Defense System.

Sa kabilang banda, matatandaang nakatuon naman sa tulong pantao at pagtugon lamang ang mga naunang pagsasanay sa pagitan ng dalawang bansa.

Makikibahagi ang JASDF sa “Unit to Unit Exchange” sa pangunguna ng Philippine Air Force na gaganapin mula ika-27 ng Nobyembre hanggang ika-11 ng Disyembre taong kasalukuyan sa dating base military ng US na ngayon ay Clark Air Base sa Pampanga.

“Deployed units from both parties will undergo exchange programs aimed at promoting mutual understanding and defense cooperation and exchanges”, pahayag mula sa Japanese Embassy sa Maynila.

Dagdag pa, hinggil sa ginanap na Exercise Pitch Black sa pangunguna ng bansang Australia, ibabahagi ng mga kalahok ang kanilang karanasan sa nasabing aktibidad.

Bukod pa rito, matapos magpulong ang mga Foreign at Defense Ministers ng Armed Forces of the Philippines at Japan, kanilang pinaigting ang Bilateral Engagements ng dalawang grupo upang palawakin ang Defense Cooperation sa gitna ng pag-alala sa mga sitwasyon sa East at South China Seas kasama ang pagsalakay ng Russia sa Ukriane.

Ayon naman kay DND Officer-in-Charge JOSE CALINGASAN FAUSTINO JR., naka-angkla ang kasalukuyang pag-uusap ng dalawang bansa sa Visiting Forces Agreement (VFA), bagay na magbibigay daan sa dalawang bansa upang magsagawa ng malakihang pagsasanay.

Siniguro ng mga senador ng Pilipinas ang pag-endorso ng VFA sa Japan makalipas ang isang linggo. Ang bansang Japan lamang ang ikatlong bansa na nabigyan ng ganitong kasunduan mula sa Pilipinas.

Ani ni Senate President Juan Miguel Zubiri na tiyak siyang makakakalap ng sapat na

suporta sa senado sa naturang kasunduan. Kasunod naman nito ang agad na suporta mula kay Senate President Pro Tempore Loren Legarda at sinabing hindi lamang sa gaganapin na magkasamang pagsasanay makakatulong ang VFA sa Japan, kundi sa maging panahon ng kalamidad at sakuna. Kaugnay ng mga aktibidad, nilagdaan ng Japan Ground Self Defense Force ang kasunduan sa pagsasanay kasama ng Philippine Army at Philippine Marine Corps.