December 21, 2024

Tansingco naalarma… IMMIGRATION, AIRPORT PERSONNEL BUKING SA RAKET NA HUMAN TRAFFICKING

IPINAG-UTOS ni Bureau of (BI) Commissioner Norman Tansingco sa BI Port of Operations na makipag-ugnayan sa Manila International Airport Authority (MIAA) sa isasagawang imbestigasyon sa posibleng pagkakasangkot ng immigration at airport personnel sa human trafficking.

Inilabas ang kautusan ni Tansingco matapos humarap sa Senado ang ilang biktima ng bagong modus, na nagsasabing pinalusot sila papuntang Myanmar gamit ang bogus na papeles ng BI at ine-escortan ng umano’y airport personnel.

“We are investigating several victims of a trafficking syndicate that entices our kababayans to work abroad as call center agents, only to be transported to a third country to work as online scammers,” ayon kay Tansingco.


Sa pagdinig noong Martes, sinabi ng isang biktima na nagawa niyang makalusot sa immigration line at iba pang proseso gamit ang pekeng ID at immigration “escort.”

Una rito, ibinulgar ni Senator Risa Hontiveros na 12 Filipino, na pinangakuan ng trabaho sa Thailand ay ipinuslit papuntang Shwe Kokko district sa Myanmar ng Chinese mafia at pinilit sa isang cryptocurrency scam.

Ayon kay Tansigco, may mga ganito na ring mga kaso ang naka-encounter ng airport security at  police.

“We are trying to see if these two cases are linked.  This is already a big security issue, and we see the need to refer the matter for a thorough investigation, together with local law enforcement agencies and the MIAA,” dagdag niya.

Ayon sa immigration chief, nagagawang makapasok ang mga biktima sa boarding gates gamit ang pekeng airport access passes at mga nagpapanggap na empleyado ng airport concessionaries.

Saad niya naharang ng airport security at police ang tatlong biktima na may bitbit na airport passes nitong umpisa ng Nobyembre.

Ngunit nang inspeksyunin ng airport security, natuklasan na peke ang dala nilang passes. Gumamit rin ang mga biktima ng pekeng immigration stamps sa kanilang pasaporte at boarding passes.

 “Hearing the statement of the victims, it seemed like their departure was facilitated by someone from outside BI. Fake stamps were impressed on their passports, which were given to them outside airport premise,” ayon kay BI spokesman Dana Krizia Sandoval