NAGTULUNGAN ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas at Department of Agriculture (DA) para palakasin ang Enhanced Kadiwa ni Ani at Kita Financial Grant Assistance Program.
Nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco at tagapagsalita ng DA at Assistant Secretary for Consumer Affairs na si Kristine Y. Evangelista ang memorandum of agreement noong Nobyembre 21.
Sa ilalim ng MOA, ang Navotas ay tatanggap ng P5,000,000 na gagastusin sa paggawa ng NavoBangka fiberglass boats para sa 30 rehistradong Navoteño fisherfolk.
Ang dating tulong pinansiyal ng Kadiwa mula sa DA ay ginamit sa pagbili ng mga lambat at iba pang kagamitan sa pangingisda, na ipinamahagi sa mga kwalipikadong benepisyaryong mangingisda.
“Our fisherfolk also served as modern day heroes, especially at the height of the pandemic. While many establishments stopped operations, they continued to provide food on our table,” ani Tiangco.
“We want to give them as much support as we can to uplift their livelihood and help them secure a stable source of income,” dagdag niya.
Ang mga benepisyaryo ng NavoBangka ay sumasailalim sa pagsasanay sa paggawa ng bangka, pagkukumpuni, at maintenance mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources. Pagkatapos ng pagsasanay, gumawa sila ng sariling bangka gamit ang mga materyales na pinondohan ng lokal na pamahalaan at iba pang gamit mula sa BFAR.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
Lalaki dinampot sa higit P300K shabu sa Caloocan
Kelot na wanted sa sexual offenses sa Valenzuela, timbog!