NASABAT ng Bureau of Customs ang P80 milyon halaga ng smuggled ng samu’t saring gintong alahas sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ayon sa ulat ng ahensiya nitong Huwebes.
Ang 24 kilo ng mga alahas ay nadiskubre sa lavatory ng Philippine Airlines flight PR 301 na dumating sa NAIA Terminal 2 mula sa Hongkong.
Ito po ay doon sa bandang gitna ng eroplano na kung saan doon sa lavatory po at saka doon po sa ceiling, doon po natagpuan. After ng masusing pagbabaybay, pag-iinspect ng mga kahina-hinalang bagay, nai-report po sa atin.
“Yung paghihinala ng mga cabin crew ay ikinandado ang dalawa sa apat na palikuran ng gitnang bahagi ng eroplano,” ani BOC spokesperson Arnold Dela Torre.
Samantala, handa namang makipagtulungan ang Philippine Airlines para sa imbestigasyon ng BOC at Philippine National Police (PNP).
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?