November 20, 2024

VAT SA NETFLIX AT IBA PANG DIGITAL SERVICES LUSOT SA KAMARA

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang House Bill (HB) No. 4122, na layong patawan ng 12 percent value-added tax (VAT) ang foreign digital service providers (DSP), tulad ng Neflix at Spotify.

Sa panukala, ninanais na magkaroon ng patas na playing field sa pagitan ng traditional at digital businesses kaya’t target nitong patawan ng vat ang digital service providers.

Target din dito ang pagkakaroon ng karagdagang revenue para sa pamahalaan mula sa bagong sources.

Exempted sa panukala ang educational services gaya ng online courses at webinars para sa mga pampribadong institusyon.

Ang mga nagbibigay ng serbisyo para sa pamahalaan ay papatawan lang din ng 5 percent na vat.