TANAUAN CITY, BATANGAS – Patay sa pananambang ang isang biktimang operator ng isang cockpit arena matapos itong tambangan at paulanan ng bala ang sasakyan nito ng di pa kilalang mga suspek habang pauwi ng kanilang bahay bandang 8:40 ng gabi noong araw ng Huwebes sa Barangay Natatas National Highway ng nabanggit na bayan.
Kinilala ang biktima na si Joselito De Chavez, 47 anyos, residente ng San Jose, Batangas.
Base sa inisyal na report na ipinadala ni Tanauan City Police Station P/Lieutenant Colonel Karlo Lanuza kay Batangas Police Provincial Director P/Colonel Pedro Soliba, lulan ng kanyang minamanehong Nissan Calibre na may plakang NGD 1040 ang biktima sa kahabaan ng Sitio Balon Road pauwi ng kanilang bahay galing ng sabungan ng banggain at pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek ang sasakyan nito at nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang biktima na agad naman sinaklolohan ng mga by stander na nakakita sa nanyaring krimen at mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng hindi naplakahan na sasakyan patungo sa di pa tukoy na direksyon.
Naisugod pa sa DMMC Hospital ang biktima subalit kalaunan ay binawian din ng buhay habang nilalapatan ng lunas. Ayon pa kay Lieutenant Colonel Lanuza, posibleng may kinalaman sa negosyo ang ginawang pamamaslang sa biktima bilang maintainer ng sabungan at nagsasagawa na ngayon ng follow up at forensic investigation ang mga otoridad at inilatag na rin ang Oplan Iron Curtain upang madakip ang mga posibleng suspek na pumaslang sa biktima. (KOI HIPOLITO)
More Stories
DISMISSAL NG BUS DRIVER NA SANGKOT SA MARAMING AKSIDENTE, PINAGTIBAY NG SC
177 SENATORIAL ASPIRANTS ‘NUISANCE’ CANDIDATES – COMELEC
Misis na nasa likod ng pagpatay sa mister, arestado sa Valenzuela