KUMABIG si Health Sec. Francisco Duque III sa nauna nitong pahayag tungkol sa matagumpay umanong pag-flatten ng bansa curve ng COVID-19 pandemic.
Sa Pre-SONA Forum, nag-sorry si Duque matapos ipunto bilang batayan sa curve flattening ang mahaba nang case at mortality doubling time o pagitan ng mga araw bago muling dumoble ang bilang ng mga nagpo-positibo at namamatay sa COVID-19.
“Yun pong ating case doubling time noong Abril ay dumaan doon sa tinatawag nating 3 day doubling time. Ngayon naman July 15, ito ay humaba na ang ating case doubling to 8-days, ito ay lumampas na doon sa ating 7-day doubling time.”
Ang nais daw sanang sabihin ng kalihim ay simula nang ipatupad ang enhanced community quarantine noong Marso ay nakakita sila ng bahagyang pagbagal sa bilang ng mga tinatamaan ng sakit.
Pero dahil nagluwag muli ng community quarantine protocols kasabay ng pinalawak na testing ay muli na namang tumaas ang numeor ng nagiging infected sa COVID-19.
“This has been the experience of the following countries with strict lockdown, then they observe cases began to increase after the release. Ito yung Israel, higher than the first peak. Mayroon din tayong Iran, higher than the first peak, ang Serbia katulad ng kanyang first peak, samantalang ang Japan recorded 200 (new) cases.”
Ang importante raw sa ngayon ay mapanatiling manageable ang mga kaso ng sakit, pati na ang sistema ng COVID-19 response para hindi ma-overwhelmed ang mga health care workers.
Mahalaga rin daw na panatilihin ang mahigpit na pagpapatupad at pagsunod ng publiko sa minimum health standards.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA