PATULOY ang paghikayat ng Philippine Sports Commission sa pamamagitan ng programa nitong Women in Sports para maengganyo ang marami pang Filipina na atleta partikular sa pagdaraos ng Women’s Martial Arts Festival simula sa Sabado( Nob.12) sa Rizal Memorial Sports Complex , Malate, Manila.
Si Philippine Sports Hall of Famer at Bowling legend Olivia ‘ Bong’ Coo ay excited nang masaksihan ang isang linggong torneo na una niyang malaking proyekto bilang Commissioner ng naturang national sports agency.
“Ang objective ko talaga is to increase the participation of women athletes,” wika ni Commissioner Coo.
Siyam na regular sports na kinabibilangan ng Pencak Silat, Wrestling, Sambo,Taekwondo, Muay Thai, Kickboxing, Karate, Jiu Jitsu, Kurash at dalawang demonstration sports na Arnis at Judo ang magsisipagtunggali sa palarong pang Pinay na mga martial artists.
Lahat ng kumpetisyon ay streamed live sa PSC Women’s Martial Arts Festival Facebook Page.
Layon ni Coo ang makadiskubre pa ng mga Filipina talents na susunod sa mga yapak nina Philippines’ first Olympic Weightlifting gold medalist Hidilyn Diaz -Naranjo, World Games 2022 Karate champion Junna Tsukii, Jiu Jitsu world champions Maggy Ochoa at Kimberly Anne Custodio, 2022 US Open Women’s junior single titlist Alex Eala at iba pa.
“Nakikita naman natin nitong mga nakaraan na talagang karamihan ng nananalo ay kababaihan.Paramihin pa natin yung women athletes and that’s why we are here to support,” turan pa ng lady commissioner.
Hinihikayat din ni Coo ang mga magulang at guardians na pahintulutan ang kanilang mga anak na mag-explore sa larangan ng sports habang maaga.
“We hope that during our term we can help produce more medals for the country,” ani pa Coo na binigyang- diin na ang kaganapan ay magiging barometro ng pagpili ng mga atleta na sasabsk sa 32nd Southeast Asian Games Cambodia 2023 at 6th Asian Indoor Martial Arts Games sa Thailand sa susunod na taon.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY