November 5, 2024

Sambo at chess sa TOPS ‘Usapang Sports’ sa Behrouz

USAPANG martial arts at non-contact sports na chess ang mabibigyan ng malalim na talakayan sa isasagawang Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes, Nov. 10 sa Behrouz Persian Cuisine sa Sct. Tobias, Brgy. Laging Handa, Quezon City.

Bibigyan kalinawan ni Pilipinas Sambo Federation Inc. (PSFI) president Paulo Tancontian ang mga ginagawang pagsasanay at paghahanda ng atletang Pinoy para sa lalahukang kompetisyon sa abroad gayundin ang All-Women;s Martial Arts Game sa pangangasiwa ng Philippine Sports Commission (PSC).

Makakasama niya sa programa na magsisimula ganap na 10:30 ng umaga ang natatanging Pinay 5-time World Sambo bronze medalist at Southeast Asian Games silver medal winner (Kurash) na si Sydney Sy.

Matutunghayan naman ang preparasyon at mga programa para sa mga lalahukang torneo sa abroad ng mga senior chess players sa pagsalang ni Grandmaster Joey Antonio na nakatakdang lumahok sa World Senior Open Championship sa Italy. Inaaanyayahan ni TOPS president Maribeth Repizo ang mga opisyal at miyembro, gayundin ang mga sports enthusiast na makilahok sa talakayan na mapapanood din via livestreaming sa official Facebooks page na TOPS Usapang Sports at sa Channel 45 ng bagong mobile app na PIKO (Pinoy Ako).