TODAS ang anim na miyembro ng pamilya, apat sa kanila ay mga menor-de-edad sa suffocation matapos masunog ang kanilang bahay sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Navotas City Fire Station arson investigator SFO1 Neil Kevin Villanuea ang mga nasawi bilang si Donsito Boiser, 41, kanyang asawa si Reynosa Muscoso, 41, mga anak na sina Arriana, 3, Reinna, 2 at Raymond, 10 at pamangkin ni Donsito na si Natalia Boiser, 14.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), ang lola ng mag-asawa at dalawa pa nilang pamangkin na edad 10 at 11 ay nagawang makaligtas matapos makalabas sa nasusunog na bahay.
Ani Fire Station Ground Commander F/Insp. Gabriel Trinidad, dakong alas-ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa kuwarto ng mag-asawa sa second floor ng dalawang palapag na bahay sa Block 25, Lot 88 Dalag St. corner Tanigue St. Brgy. NBBS Dagat-Dagatan.
Umabot ang sunog sa unang alarma at i-deneklarang fire-out dakong alas-5:44 ng umaga.
Sa pahayag ng mga kapitbahay ng biktima sa BFP, nang makita nila ang makapal na usok mula sa bahay ng mga biktima, agad nilang kinatok ang main gate ngunit wala umanong sumasagot hanggang sa nakita nilang tumatakbo palabas ang lola ng mag-asawa at dalawang bata.
Sinabi ng mga nakaligtas na sinubukan nilang gisingin ang mga biktima na natutulog sa air-conditioned na kuwarto sa itaas sa pamamagitan ng pagkatok sa pinto ngunit walang nagbubukas nito hanggang sa nagpasya silang bumaba nang mapansin na malapit nang gumuho ang kisame.
Inaalam pa ng Arson investigators ang pinagmulan ng sunog at ang halaga ng ari-arian na tinupok ng apoy.
More Stories
Tulak, kalaboso sa pagbenta ng shabu sa pulis sa Malabon
Driver, arestado sa baril sa Malabon
80K NANAY MAKAKATANGGAP NG P350 MONTHLY SA ILALIM NG EXPANDED 4Ps – DSWD