NASAGIP ng Bureau of Immigration ang apat na biktima ng human trafficking na illegal na ni-recruit para magtrabaho sa Thailand, Laos at Dubai.
Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco, pasakay na sana ang apat na biktima, na itinago ang pagkakilanlan para sa kanilang proteksyon, nang harangin sila nang mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1.
Tatlo sa mga biktima ay may connecting flights sa Bangkok, Thailand, na nagsasabing sila ay magbabakasyon ng pitong araw.
“The intercepted Bangkok-bound passengers initially presented themselves on primary inspection as tourists, but later on admitted that they were recruited to work as customer service representatives to be deployed to Thailand and Laos. They were even promised to receive 50,000 pesos once employed,” dagdag ni Tansingco.
Ayon sa mga biktima, na-recruit umano sila sa pamamagitan ng Facebook ads.
Ibinunyag pa ni Tansingco ang kaso ng isa pang biktima na naunang nagsabing magbabakasyon siya ng 5 araw sa Singapore.
“The other passenger was a woman on her late 30’s who disguised as a tourist. As it turns out, she was offered a job as a household service worker in Dubai and that she was instructed to stay in Singapore for five days while she waited for her UAE visa,” pagbabahagi ni Tansingco.
Ikinalungkot naman ni BI Chief ang patuloy na raket ng illegal recruiters.
“It is frustrating how these criminals have now evolved to using online ads to lure their victims,” saad niya.
“I assure the public that our officers will remain vigilant for any human trafficking attempt especially amid the ongoing influx of international passengers who will be vacationing during the holidays,” dagdag ni Tansingco.
Samantala, pinurti naman ni Tansingco ang immigration officer na napigilan nag trafficking attempt.
“Our officers should be commended for showing how it is to be effective public servants. They work day in and day out to assure that nobody is victimized by illegal recruiters,” aniya.
Itinurnover ang apat na biktima sa Inter Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa tulong at karagdagang imbestigasyon.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?