November 1, 2024

2ID NG  PHILIPPINE ARMY, SUMAKLOLO SA MGA LUGAR NA SINALANTA NG BAGYONG PAENG

CAMP CAPINPIN, TANAY, RIZAL – Pinadala ng 2nd Infantry Division ang lahat ng available assets nito para sa Humanitarian Assistance and Disaster Response upang tulungan ang mga komunidad na nasa kanilang area of responsibility na labis na naapektuhan ng Bagyong Paeng noong Sabado, Oktubre 29, 2022.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, nag-landfall si Paeng noong Sabado ng madaling araw sa Virac, Catanduanes, na sinundan ng isa pa sa Caramoan, Camarines; Buenavista, Quezon; at Sta. Cruz, Marinduque.

Tuluyan nang lumabas ng bansa si Paeng sa Philippine Area of Responsibility noong Lunes ng gabi.

Kabilang din ang Metro Manila at mga rehiyon sa CALABARZON, MIMAROPA at Bicol sa mga lugar na naaepktuhan ng bagyo.

Inilalayan ng tropa ng 85th Infantry Battalion ang mga LGU at iba pang ahensiya ng gobyerno sa iba’t ibang barangay sa Mulanay at Gumaca, Quezon.

Idineploy din ang mga tropa ng goyerno upang tulungan ang mga residente sa clearing ng road obstruction sa Barangay Camohaguin, Panikihan at Bigyan sa Gumaca at San Vicence sa Lopez. Gayundin ang road obstruction sa kahabaan ng Lopez-Calauag Road at Hondagua-Lopez Road.

Samantala, tumulong din ang mga sundalo ng 59th Infantry Battalion para ilikas ang mga apektadong pamilya sa Barangay Pallocan, Tabangao Aplaya at Lipahan sa San Juan Municipal Hall sa Batangay City gayundin ang forced evaction sa Barangay Cota sa Lucena City.

Kasunod nito, tumulong din ang tropa ng 80th Infantry Battalion sa pamamahagi ng food packs sa mga apektadong pamilya sa iba’t ibang barangay sa San Mateo at Rodriguez, Rizal. “The Jungle Fighter Division remains committed to its mandate as servants of the Filipino people especially during these challenging times. We are constantly working with the LGUs and LGAs to expedite the provision of relief and support to our affected kababayans,” saad ni 2ID Commander Maj. Gen. Roberto S. Capulong.