November 5, 2024

PH Traditional Martial Arts… PINOY SIKARAN NAGPAKITANG-GILAS SA NBA CHASE ARENA

Sina Global Iconic Aces awardees GSF founding president Hari GM Osias C. Banaag at Sikaran Master Emman Banaag ay kasalukuyang nasa bansa para sa naturang gawad at ang idinaos na Sikaran National Champioship 2022 sa Pinagbuhatan, Pasig City.

PUNONG-PUNO ng basketball fans ang Chase Arena nang gabing iyon sa laban ng powerhouse NBA team Golden State Warriors sa California USA.

Bago ang laro ng GSW, nagulat at humanga ang lahat sa pag-eksena sa hardcourt ng grupo ng mga kabataang Filipino (nakabase sa Estados Unidos) na nakasuot ng puting kamiseta at pulang pantalong uniporme ng isang tipikal na Pinoy sa larangan palakasang itinatag mismo ng isang Filipino na naimbitahang mag-perform ang kanyang piling grupo ng talento sa arena at ipagmalaki sa mundo ang larong Sikaran na orihinal Filipino at niyakap ng mga Amerikano.

Wagayway ang bandera ng Pilipinas papasok sa limelight ng arena at buong pagmamalaking ipinamalas ang kanilang galing at porma ng Sikaran martial art na masigabong pinalakpakan ng NBA crowd sa Chase Arena.

“Isang napakalaking karangalan ang mai-showcase natin at maipagmalaki ang tunay na Pinoy sports dito sa Chase Arena ng NBA kaya ang ating Sikaran ay lalong sumikat globally at ang karangalang ito ay aking handog sa kababayang Pilipino sa mundo,” pahayag ni Global Sikaran Federation founder/ President GM Hari Osias Catolos  Banaag sa panayam.

Si Grand Master ay kasalukuyang nasa bansa sa malugod na pagtanggap ng kanilang Global Iconic Aces Award ( gawad sa mga personaheng may nagawang pinakikinabangan pang- mundial) sa Okada Manila kasama ang kanyang anak na si GSF VP/ Sikaran Master Emman Banaag.

Gayundin ang matagumpay na pag-organisa ng  Global Sikaran National Championship na nilahukan ng dagsang kabataang Sikaran enthusiasts at ini-host ng Wildcat Sikaran Pasig na sumikad sa Damayan Court, Pinagbuhatan sa pamumuno ni Master German Patingo.

Dagdag-ningning sa pagbubukas ng prestihiyosong torneo ang pagdalo ni Pasig Vice Mayor Dodot Jaworski.

Sa naturang kaganapan ay nag- conduct din ng Sikaran free clinic para sa mga batang martial artists kung saan ay nagturo sina GSF American-based instructress Olvia Dano at Kwen Banaag ng mga basic techniques ng naturang larangan na dapat ay isa nang kinikilalang national sports association ( NSA) sa bansa.