November 24, 2024

KARAGDAGANG SCHOOL BUILDINGS, ITATAYO SA NAVOTAS

MULING pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco ang isinagawang groundbreaking ng dalawa pang public school buildings na itatayo sa Navotas City. Ang Tanza Elementarya School ay malapit nang magkaroon ng bagong apat na palapag na gusali na may 12 classrooms habang ang North Bay Boulevard Elementary School ay magkakaroon na din ng parehong may 20 classrooms. (JUVY LUCERO)

MULING pinamunuan ni Mayor John Rey Tiangco ang groundbreaking ng dalawa pang public school buildings na itatayo sa Navotas City.

Ang Tanza Elementarya School ay malapit nang magkaroon ng bagong apat na palapag na gusali na may 12 classrooms habang ang North Bay Boulevard Elementary School ay magkakaroon na din ng parehong may 20 classrooms.

“We want to ensure the availability of enough classrooms to accommodate Navoteño students now that in-person classes in most of our public schools are already in full swing ,” ani Mayor John Rey Tiangco.

“We hope to give our students the opportunity to enjoy their time in school following years of being cooped up at home by providing them a comfortable and conducive environment for learning,” dagdag niya.

Sinimulan ng Navotas ang pagtatayo ng siyam four-storey buildings ngayong taon.

Ang Navotas National High School, Daanghari at Tangos Elementary School ay nagkaroon ng groundbreaking ceremonies noong Setyembre, na sinundan ng Kaunlaran High School at San Roque, Dagat-dagatan, at San Rafael Village Elementary Schools noong Oktubre 7.

Noong nakaraang Marso 2021, pinasinayaan ng Navotas ang 11 school buildings na may kabuuang 128 classrooms.