MARUBDOB na ang ginagawang paghahanda ni Filipino gymnastics icon Carlos Yulo katuwang ang kanyang manager na si Munehiro Kugimiya sa kanilang pagdating sa United Kingdom kung saan ay sasabak siya sa 2022 World Artistic Gymnastics Championship sa Liverpool na aarangkada mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 6 ng taon.
Hindi lang popokus ang world titlist na si Yulo sa rins,parallel bars at vault exercises na kanyang hakbang para maka-hablot ng puwesto para sa 2024 Paris Olympic Games kundi ay sasabak na rin siya sa pommel horse, steel rings at high bars.
“Pinag- igihan ko po iyong rings,na- upgrade na rin po sa vaults dahil sa new elements at sa high bars. Medyo hirap ako sa practice dahil nahuhulog ako,” ani Yulo sa panayam via zoom.
Nasa higit 400 gymnastics mula sa iba’t- ibang panig ng mundo ang magpapasiklaban kung saan lahat ng partisioante ay maghahangad ng Olympic berth sa Paris.
“Masaya po ako at naka balik ako. Last time po kasi nagpokus lang ako sa events , ayos po ang preparation pero maraming challenges,” ani pa Yulo.
Ang qualification para sa World Gymnastics Champioship ay sa
Okubre 29-31 habang ang mga finals ay mula Nobyembre 1 hanggang 6. Magsisimula sa kanyang misyon para sa Olimpiyada sa vault at floor ecercisa sa Sabado habang sa darating na Lunes ay popokus siya sa pommel horse, rings, parallel at horizontal.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA